Tuesday, August 12, 2014

BF Energy Refill Calculator

Current Energy:
Target Energy :
ETA :
Refill Time :

Tuesday, October 18, 2011

Clean as you go

Yan ang nakalagay na note sa tables sa pantry.  Madali naman intindiihin di ba? Pero bakit merong mga taong sadyang ini-ignore ang simpleng rule na to.  Clean as you go.

Dapat pa bang lagyan ng Tagalog translation to?  Kung nakapasok ka sa opisinang tulad nito, panigurado na naiintindihan mo yan.  Panay pa nga English nyo pag nag-uusap e.  Clean as you go.  Maglinis bago umalis.

Siguro sanay tong mga to sa buhay na merong maglilinis para sa kanila.  Eh pano na lang kaya kung sila na lang? Sa bahay? Sa kwarto nila? Ganito din kaya sila? Basta na lang aalis, at walang linis-linis? Clean as you go!

Nakakainis lang kase kapag ikaw yung susunod.  Nakakawalang-gana kumain dun sa inalisan nilang pwesto.  Ang kalat!  Daig pa bata kung kumain e.  Parang manok na kinakahig pa yung pagkain.  Tapos aalis na parang sa restaurant kumain.  Astang may maglilinis ng mesa nila pag umalis.  Buti na nga lang sana kung nag-iiwan ng tip, bayad-perwisyo man lang sana.  Taena mo! Clean as you go!

Pano nga kayang kain ginagawa nitong mga to?  Oat meal lang di pa ma-ishoot sa baso o bowl.  Hmmm... baka sa plastic, ung pang-iced candy, dun nilalagay at kinakain ung oat meal? o kaya sa bote ng softdrink - maliit ung entrada, dun pinapasok ung oat meal para timplahin. Anak ng tipaklong! Eh halos kalahati ata ng sachet ung asa mesa e. Pucha naman!! Clean as you go!


Monday, October 17, 2011

Blank....

I checked my FB, twitter and this blog.  I last updated my FB status with something na may sense, 2 weeks ago.  I last updated my twitter, 6 days ago.  and the last post on this blog was, (*gasp*) 2 months ago.  

Parang may mental block lang. O.o  Parang katumbas na to sa RL (real life) ng walang social life, hahahaha.  

Ewan ko ba.  Parang walang lumalabas sa utak ko.  Di naman ako subsob sa trabaho.  Maghapon din naman akong nasa harap ng PC.  Pero di ko nagagalaw tong mga social network gadgets ko.  Hmmm...  Dahil kaya sa edad to?? @.@

Wednesday, August 10, 2011

Next Chapter please!


So i guess, this opens up the next chapter in my life.  Mang_Dencio will soon be Daddy_Dencio ;-)

Hopefully all goes well.  Thank you God for this wonderful blessing!

Wednesday, July 20, 2011

Hitchin' a ride?


Saw these two "giants" on Sitti's roof this morning.  Now, i don't know where they are. ;)